Relate ka ba?

Kita ko 'to sa page ni Hanne... she said she was smiling when she read this... And turns out, ako rin... =P

LOVE~ writer unknown
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindiahan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang.

May kaibigan ako, sabi niya dati love is only for stupid people. Nakakatawa kasi laude and standing niya, pero dumating and panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.

Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot.

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumating siya sa mga taong ayaw na talagang magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit. Sabihin mo lang ang magic words na Ayoko na ma-inlove! biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero pag-problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemag tao? Naiisip mong wala naming mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh! Ang sarap mabuhay. Pwede na ako mamatay. Now na!

At hindi lang yon ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan.

Siya! Bakit niya ako sinaktan? May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.Mauubos ang buong magdamag ko kasasabi ng mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ako. Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng tungkol sa pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Comments

  1. Anonymous6:23 AM

    Hi Olivia,

    Musta ka na? Thanks for your comment sa blog ko. I see that you also have many interesting posts dito sa blog mo... interesting especially na parang nakakarelate ako sayo nang husto... eeek... pag-ibig... bakit nga ba ganito no? Ewan ko ba. It seems that you've been able to let go... and that's very good. Kasi ako, I am still kinda on the edge, you know?! Anywayz, yun... kaya naman lagi pa rin siyang nasa isipan ko. I try to get her out of my mind... but man... it's so hard.

    Love is an animal... sometimes it's wild.. sometimes its gentle... but sometimes... it's just not there... it has this friggin' ability to hide. Pero, you see, I don't like playing hide and seek with this animal. Nakakapagod.

    Anywayz... I'll catch you later. I hope to talk to you some time. I'll call you or something.. :) Take care lagi, Olivia! :)


    Meeh,
    PiNoY

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Last Station: Leo Tolstoy's Last Days

Not an Average Love Letter

Stephen King says Stephenie Meyer Sucks