War of the Worlds at ang Pagdating ni Emong

Hindi ko sigurado kung bakit ko masyadong na-enjoy ang War of the Worlds ni Steven Spielberg. Sa tutoo lang, kung isa kang kritiko, napakahirap magsabi na natuwa ka sa isang pelikula dahil maaring mayroong hindi sumang-ayon sa iyo at lumabas na napakababaw mo lang na tao. Kaya nga siguro, pag may isang pagpupuna ng pelikula, kadalasan, puro kamalian ang binabanggit naming mahilig mampuna. Hindi kasi masyadong nakataya ang iyon dignidad. Kapag may hindi sumang-ayon sa iyong hindi kaaya-ayang sanaysay, ang iisipin nla isang napaka-pesimistiko mo lang na tao. Pero pag pinuri mo ang isang pelikula at may hindi natuwa --- kredibilidad mo bilang kritiko ang nakasalalay.

Kaya nga minsan, napakahirap magbigay ng puna. Kung bakit ba kasi isa akong napakalaking masokistang manunulat na pilit gumagawa ng mga sanaysay ukol sa mga kuro-kurong hindi naman sang-ayon ang lahat. Pero, kapag hindi ko ito ginawa, magsisinungaling ako sa sarili ko.

Kaya nga ngayong sinasabi ko na nagustuhan ko ang War of the Worlds (Ang Gyera ng mga Mundo??) ay itinataya ko ang kredibilidad ko. Hindi ko naman sasabihin na perpekto siya, dahil kahit papaano, nakilala ko ang mga elemento ng komersyalismo sa bagong likha ni Spielberg. Ngunit kapani-paniwala siya kahit naiba ng kaunti anh istoryang nilathala ni HG Wells. May mga bagay na hindi laging magkakaugnay o naipaliwanag ng mabuti, ngunit nandun ang kakayahan nitong akitin ka upang tuluyang ilublob ang sarili sa mundo ni Ray Ferrier (Tom Cruise). Magaling din ang artistang mga bata. Nakakapanindig balahibo ang mga imaheng ipinakita ng pelikula.

At higit sa lahat, nabigyan ako nito ng pagkakataong umalis sa mundong kinalalagyan ko, patungo sa isang lugar na may taong mas nahihirapan pa kaysa sa atin sa tutoong buhay.

Natuwa talaga ako.

Sana panoorin nyo, at sana matuwa rin kayo.

Wag lang sana kumikidlat at bumabagyo pag labas niyo ng sinehan (tulad ng nangyari sa akin at ang bagyong Emong) dahil baka mabigla kayo na tulad ko na naisip na ---

Oh my gosh. Thunder, don't do that to me, ha... You're like, freaking me out.

:)

Comments

Popular posts from this blog

The Last Station: Leo Tolstoy's Last Days

Not an Average Love Letter

Stephen King says Stephenie Meyer Sucks