Ah Ewan

Bakit ba kasi ang hirap mag-process the iniisip ko ngayong araw na ito?
Ang dami kong balak, ang dami kong plano, wala pa sa kalahati ang nagagawa ko? Hindi ko nga alam paano ako nagsusurvive. Pesteng computer ko, di pa nakikipag-cooperate.

Unang blog ko to na Tagalog. See ang babaw ko. Yan lang ang irereport ko ngayong gabi na ito. Sa tutoo lang, new experience ito. Buong buhay ko ata, pa-Ingles-Ingles ako. Paano, kindergarten pa lang, pag nag-Ingles ka, bida ka. Sinasabi ng mga teachers "Very good, Olivia! You are a very smart girl!" Naniwala naman ang bata. Nagpalakpakan naman ang lahat ng maipaliwanag ko sa Ingles na "My favorite doll is Rainbow Brite. Her hair is very colorful and she has a star on her cheek." Para bang sukatan ng pananalita ko ng Ingles ang lahat ng angking galing ng kamalayan ko. Siguro akala ko, maiintindihan ako ni Rainbow Brite. Kasi akala ko, Amerikana siya. Kahit may tatak na Made in Japan ang kanyang puwit. At habang tumatanda, mas magaling kang magsulat at magsalita sa Ingles, mas matalino ka daw. Hanggang sa paghahanap ng trabaho, hindi ka tatantayan. Wala naman akong problema, kasi naging magaling naman daw ako magsulat. Sabi nila. Pero tingnan mo yung entry ko sa ibaba.

Anak ng kambing ngumunguya ng Bazooka -- daming maling grammar at ispeling. Ewan ko, kung nabobobo lang ako sa Ingles, o baka hindi ko lang talaga dama yung sinasabi ko. Napakadaling dumaldal sa Ingles. Just put nice-sounding words together and that's it -- henyo ka na. Pero minsan, ang hirap pa rin sabihin ng talagang nararamdaman. May mga panahon talaga na ang sinisigaw ng puso mo, hindi maaring i-translate sa kahit ano pang ibang lingwahe. Kahit siguro mag-aral ko ng Spanish at French, papalpak pa rin ako kung ang gusto ko talagang sabihin ay nakasalalay sa pagiging Pinoy ko. Kahit kasing bilis ko sa pananalita ng Ingles ang machine gun sa pwet ni Astroboy, walang sense pag hindi ko sinabi sa Tagalog.

Nababato na ako. (Sige nga, translate mo yan ng literal: I am Rocky?) Hindi ko alam ang gusto ko mangyari sa buhay ko. Nagdirilim na ang paningin ko, at hindi lang dahil sa Biyernes Santo ngayon. Alam kong sandali lang ang bakasyon na ito, at hahampas na naman sa aking diwa ang katutohanan ng mundo pagdating ng Lunes. Hindi na ulit ako bata. Dalawmpu't tatlong taon na ko. Mahirap na naman kumanta ng Barney song. Wala ng may pakialam kung favorite ko si Rainbow Brite noon. Magiging tungkol sa targets, targets, targets na naman ang buhay ko. Hay, Astroboy, pahiram naman ng pwet. May tatargetin lang ako. Ang katamaran ko. Gusto ko na itong tuluyang mawasak. Sana masipag ako ulit.

At habang nanaginip ako. Sana payat na rin ako. Kahit hindi nagda-diet.
At sana, hindi ko na kailangan i-rebond ang buhok ko. Lagi na lang siyang shiny and tangle-free.
Sana, magka-laptop na rin ako. Pentium 5. May 700 Gigabytes. Baby Blue. Libre.
Kotse. SUV. O kaya basta, kasya ako. Kulay dark Blue. Silver hubcaps. Astig na engine, pero malay ko kung ano ang ibig sabihin nun. Siguro yung hindi lumalapa ng gas parang umiinom ng softdrinks. Hindi siguro libre, wag naman carnap. Mapalunan ko na lang sa SM Fairview raffle.
Sabi ng pinsan ko, kaya daw wala pa akong boyfriend, kasi mukha daw akong Hercules. Sana, maaga siyang makalbo.

Sana rin, wish ko lang, bukas pag gising ko---hindi na ako baliw.

Comments

Popular posts from this blog

The Last Station: Leo Tolstoy's Last Days

Not an Average Love Letter

Stephen King says Stephenie Meyer Sucks